Tuesday, November 1, 2011

Tawa ng Isang Demonyo - A True Story

Apat na taon na ang lumipas no’ng naranasan ko mismo sa aking bahay ang isang di-inaasahang pangyayari. (To describe ang aming bahay ay isang boarding house, kami lang po ang nagmamanage pero di po kami ang may-ari. Ang isang malaking kwarto sa ikalawang palapag ay ang aming tirahan. At tuwing gabi natutulog ako malapit sa bintana.)

Araw ng Huwebes, Marso 2007 nagising ako alas 3:00 ng madaling araw dahil nga’t mag-aaral pa ako sa aming 4th Periodical Test (Nahiligan ko na talagang mag-aral tuwing madaling araw dahil para sa akin mabilis ma-absorb ng utak ko ang anumang binabasa ko). Kaya I turned on the lights at sabay kuha ng aking bag na nakalagay sa aming munting mesa at ako’y bumalik agad sa kama para magbasa at mag-aral. Ngunit sa pagbukas ko ng aklat, biglang may lumabas na dugo sa aking ilong. Ewan ko nga ba kung bakit nagkanosebleed ako sa oras na iyon knowing di ako napagbilad ng araw a day before or di naman ako high blood na tao. Kaya ang ginawa ko, kumuha ako ng used clothes sa planggana ni Mama at pinunasan ang ilong ko at nagdecide na humiga na nakatutok sa kisame para mapigilan ang pag-agos ng dugo. Habang ako’y nakatutok sa kisame, I decided na I will take a nap muna about 10-15 minutes.

And after 15 minutes, doon na nagsimula ang kinatatakutan ko – ang hindi ko mabuksan ang aking mata at maigalaw ang aking katawan. Oo, binangungot ako. Hindi yun ang unang beses, I think nakailang bangungot na rin ako in my whole life. Ang sikreto ko lang if ever binabangungot ako, una ay I prayed to God (personal prayer) then 1  Our Father, 1 Hail Mary, 1 Glory Be tapos another personal prayer to Mama Mary. At yun nga nagising ako sa panahong iyon! And thanks God for giving me another chance to live in this world.

Ngunit sa aking paggising, isang nakakakilabot na eksena na naman ang aking naranasan. Isang tawa ang aking narinig mula sa bintana mismo. Oo, isang tawa ng isang demonyo! If you watched the movie The Exorcism of Emily Rose, kahawig ng tawa na narinig ko mula sa bintana, ang tawa ng demonyo sa nasabing pelikula. At dahil don, ako’y natakot bigla sabay tanaw sa bintana kung merong tao sa labas. And guess what, wala! At ang nakakapangilabot pa doon, naramdaman ko mula sa aking batok ang isang malamig na hangin na tila ba’y kaluluwa or masamang elemento. So what I did, I never slept again and continue studying my lessons (Confident ako that time at hindi ako sumigaw dahil nga’t katabi ko yung sister ko at Mama ko). I never dare to wake them up kasi alam ko I have faith in Him. Pero frankly speaking andun pa rin ung kaba sa sarili ko na anytime maririnig ko na naman ung tawa ng demonyo.

Kinaumagahan, I immediately shared to my Mama kung ano ang nangyari sa akin, (My mama is a member of a religious organization in our Church here) and she told me na dapat every time na magigising ako ng alas 3:00 ng madaling araw, I should pray the 3 o’ clock prayer because ito po yung oras na namatay si Hesu Kristo, kaya possible na sa ganitong oras, may magpaparamdam or may kababalaghang mangyayari.

Note: This a true to life story. And once lang po to nangyari sa akin, and after the said incident wala na pong continuation.