Unang-una hindi ko talaga alam kung paano ko ito simulan-itong bagong blog ko. Sa pagkakaalam ko, ginawa ko po 'to dahil gusto ko. Minsan kasi napaisip ako na mas mailalabas ko pa ng todo ang aking saloobin gamit ang sariling kong wika kaysa sa Ingles. Ewan ko nga ba kung bakit? Pero yan lang ang napansin ko sa sarili ko...
Sa kabilang dako, ang isa sa mga dahilan kung bakit gusto kong magkaroon ng Filipino blog ay dahil gusto kong sumuporta sa mga Filipino blogs na may magandang mithiin tulad ng Isang Minutong Smile (http://isangminutongsmile.com), Saranggola Blog Awards (http://saranggolablogawards.com), Pinoy Expats Blog Awards (http://pinoyblogawards.com), Damuhan (http://damuhan.com), atbp. Kung tutuusin, iba-iba man ang kanilang mithiin, meron pa rin silang pagkakatulad at ito ang pagpinta ng ngiti sa bawat labi ng mga Pinoy.
Kaya tara, pasukin natin ang mundo ni Jhiegzh, samu't saring paksa ang iyong mababasa dito. Pwede kayong sumang-ayon o hindi sa aking mga punto, kaya kung ako sa'yo mag-iwan ka ng marka sa "comment section" ng bawat blog post ko. (demanding)...
Bottomline: Masaya ako sa bagong blog ko :)